veiledmusings.com

unravelling the thoughts of an emotional blockhead

grabe na to. for the first time in a year inabot na naman kami ng alas syete ng gabi sa school. masaklap pa nyan, sa classroom pa. ewan ko ba kung bakit ganyang tong propesora na ‘to. ayaw nya kasing mag-approve ng mga thesis statement eh. kaya lahat kami naghahabol. kamusta naman, sa miyerkules na yung pasahan, kalahati pa lang sa klase ‘yung naaprubahan nya na thesis statement. tapos kelangan ‘yung mga topic outline at sentence outline dadaan pa sa kanya. grabe na to. 

main point: i can honestly say, for the first time in my whole life, i want to maim somebody. not kill, maim. 

oo, di pa naman ganun katindi ang galit ko sa kanya para patayin siya pero sigurado ako, kaunti lang ang dipirensya doon. hindi kasi siya organized eh. sabay-sabay ‘yung lahat ng sections na hawak niya. okay lang sana eh, no? kaso kami lang iyung hawak niya na second year sa buong batch. pano na kami? magsu-summer ba kami para sa english? hindi rin siguro. ewan ko sa kanya. tapos kanina bigla nalang siyang nawala. siguro nga nagpaalam siya pero iyun, ‘di ‘ko lang narinig. sana ‘di ba. kawawa naman iyung naghihintay dun na nakapila para makuha iyong sobrang galing at propesyonal niyang aprubal. 

kung tutuusin nga naman, sige, english major siya. matagal na siyang nagtuturo. pero sana ‘di ba, hindi siya umabsent ng isang linggo sa klase namin (at base sa mga numero ng mga first year na hindi pa nakakapagpasa ng requirement nila, hindi lang sa klase namin siya hindi pumasok) kasi sobrang sayang iyung oras. ang tagal pa man din niya mag-apruba. 

mas nakaka-toxic pa siya kaysa sa mga duty namin eh. grabe talaga. sana umabot. at bukas papasok pa kami ulit para habulin siya. hay. finals week pa man din next week. kamusta naman.

di pa natuloy iyung lakad namin ni raydon na manood ng sine. sayang. pride and prejudice pa man din iyun.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.